Connect with us

Aklan News

47-ANYOS NA LALAKI, TINAGA SA ULO NG KAINUMAN

Published

on

Photo file

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos na tagain ng kanyang kainuman alas-8 kagabi sa Brgy. Bagumbayan, Pandan, Antique.

Kinilala ang 47-anyos na biktima na si Ronie Nagamo, residente ng nabanggit na lugar na nagtamo ng tama ng pananaga sa kanyang ulo.

Kwento ng biktima, nakainuman nito ang suspek na si Jerald Baron, 34 anyos, kasama ang apat pang kalalakihan ngunit nagkaroon ng diskusyon sa pagitan nilang dalawa.

Umuwi di umano ang suspek at kumuha ng dalawang itak na siyang ginamit nito sa pagtaga sa kanya nang magkasalubong sila sa daan habang pauwi na rin ang biktima.

Nagkaroon pa umano ng diskusyon ang dalawa bago nangyari ang pananaga kung saan nakatakbo ang biktima at natalisod dahilan na naabutan siya ng suspek.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang naturang salarin.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *