Connect with us

Aklan News

ANAK, TINAGA NG AMA DAHIL SA QUARANTINE PASS

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng sariling ama bandang alas 7:20 kagabi sa Jumarap, Banga.

Nakilala ang biktimang si Babylon Meneses, 40 anyos at ang ama niyang suspek na si Benedicto Meneses Sr., 69 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nagtalo ang dalawa tungkol sa ibinibigay ng barangay na quarantine pass.

At habang kumakain umano ang biktima bigla na lamang siyang tinaga sa likod ng ama.

Tinamaan sa gitna ng kanyang likod ang biktima na mapalad namang nakatakas.

Kaagad namang naawat ng ilan pa nilang pamilya ang lasing na suspek, hanggang sa dumating ang mga pulis

Pansamantala siyang ikinustodiya ng Banga PNP habang inihahanda ang kasong Frustrated Murder na isasampa laban sa kanya.

Samantala, kaagad ding dinala sa ospital ang biktima, subalit nakalabas din kinalaunan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *