Connect with us

Aklan News

TINDAHAN, NABIKTIMA NG “SALISI”

Published

on

Kalibo – Nabiktima umano ng “salisi” ang isang tindahan sa Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo pasado alas 4:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa Kalibo PNP, personal itong pinablotter sa police station ni Mary Joy Alejo, 29 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia.

Base sa kanyang inireport sa mga pulis, isang di nakilalang babae umano ang nakipag-usap sa kanya at nagtanong kung saan ang kanyang ama.

Nagtanong din umano ang babae tungkol sa retail price ng kanilang ibinibentang bigas, habang may kinakausap kunwari sa kanyang cellphone ang kanyang ‘boss’.

Maya-maya pa, nakigamit umano ang babae ng kanilang comfort room at nakiusap na hihintayin ang kanyang ‘boss’.

Tumulong din umano sa kanya ang babae sa pagtitinda, kung kaya’t naging malaya ito sa kanyang mga kilos sa loob ng kanilang tindahan.

Kinalaunan, nagpaalam umano ang suspek sa kanya na susunduin sa palengke ang kaniyang ‘boss’ at babalik din para bumili sa kanila ng bigas.

Maya-maya pa pagkaalis ng suspek nang matuklasan umano ng biktima na bukas na ang kanyang bag at nawawala na doon ang kanyang wallet na naglalaman ng mga ID at humigit-kumulang P10,000.00.

Nagpapatuloy pa ang follow up investigation ng mga pulis sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *