Connect with us

Aklan News

LASING NA SINITA SA CURFEW, ARESTADO MATAPOS MANUNTOK NG PULIS

Published

on

Photo courtesy| Malbert Dalida/ Radyo Todo Aklan


Kalibo – Arestado ang isang lasing na sinita sa curfew matapos umanong manuntok ng pulis bandang alas 10:34 kagabi sa Nalook, Kalibo.

Nakilala ang naarestong lasing na si Regin Inamarga, 44 anyos ng nasabing lugar, at ang sinuntok umano nitong pulis na si PSSgt. Louie Inocencio.

Base sa police report ng Kalibo PNP, nagroronda kagabi ang mga taga Kalibo pulis nang madaanan nilang naglalakad sa lugar si Inamarga at dalawa nitong minor de edad na mga anak.

Sinita umano ng mga pulis ang suspek dahil sa ipinapatupad na curfew, subali’t sinuntok umano nito ang nasabing pulis, rason ng kanyang pagkakaresto.

Kaagad namang hinatid ng mga pulis sa bahay ng kanilang lola ang mga anak ng suspek.

Samantala, nang makausap ng Radyo Todo, itinanggi ng suspek na may sinuntok siyang pulis kagabi at sinabi nitong wala siyang alam sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *