Connect with us

Aklan News

2 BABAE ARESTADO SA BUY BUST SA KALIBO, 8 SACHET NG SHABU NAREKOBER NG KAPULISAN

Published

on

Photo courtesy | Rolly Herrera/Radyo Todo Aklan

Kalibo – Kulungan ang hantungan ng dalawang babae matapos kumagat sa buy bust operation ng mga kapulisan Linggo ng umaga sa Roxas Avenue Extension, Andagao, Kalibo.

Naaresto ang mga suspek na sina Dahlia Flor Adrias, 39, tubong Cogon, Sigma, Capiz at Renalyn Dela Cruz, ng Andagao, Kalibo.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer ng P8000 halaga ng droga kapalit ang isang sachet ng shabu.

Kabuuang walo na sachet ng shabu naman ang naumpiska matapos ang halughugin ang kanilang tinitirahan.

Pinangunahan ng Kalibo Police Station Drug Enforcement Unit ang nasabing operasyon katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *