Connect with us

Aklan News

MOTOR NG 2 LASING NA MOTORISTA, NAGSALPUKAN

Published

on

Kalibo – Dalawang lasing ang isinugod sa ospital matapos magbanggaan ang kanilang motorsiklo bandang alas 7:45 kagabi sa Bachaw Norte, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Roy Gabayno 42 anyos, at Ryan Fernandez, 35 anyos pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nagmomotorsiklo galing sa interior ng Bachaw Norte si Gabayno nang tumawid umano ito sa kabilang linya at bumangga sa nakasalubong na nagmomotorsiklo ring si Fernandez.

Dahil dito, parehong sumemplang sa kalsada ang dalawa at parehong nasugatan, habang pansamantala namang na impound ang kanilang motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *