Connect with us

Aklan News

VINTAGE BOMB, NATAGPUAN NG MANGINGISDA

Published

on

Photo courtesy| Malbert Dalida/Radyo Todo Aklan

Numancia, Aklan – Buong tapang na dinala pabalik ng isang mangingisda ang natagpuang vintage bomb habang nangingisda siya bandang alas 4:30 kaninang madaling araw sa karagatan ng Camanci Norte, Numancia.

Ayon sa mangingisdang si Jenly Ranego ng Bakhaw Norte, Kalibo, nagulat na lamang sila ng kanyang asawa nang makita ang nakasabit na bomba sa kanilang lambat.

Bagama’t nahintakutan, maingat umano niya itong kinuha at inilagay sa kanilang bangka.

Ipinagpatuloy pa umano nila ang kanilang pangingisda habang gumugulong-gulong sa kanilang bangka ang nasabing bomba hanggang sa makabalik sila mula sa laot.

Kasalukuyang nakapatong sa tabi ng mga nakahilirang jack stones ang nasabing bomba habang hinihihtay ang mga taga EOD o explosive officers para sa karampatang disposisyon.

(Developing story)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *