Aklan News
DOT: Recovering flights para sa mga dayuhang stranded sa Boracay patuloy

Published
10 months agoon

Patuloy ang pagrekober ng mga flights ang Department of Tourism (DOT) para sa mga dayuhang na-stranded sa Boracay Island, at iba pang tourist destination sa bansa dahil sa travel restriction na dulot ng COVID-19.
Batay sa ulat, wala pang eksaktong araw kung kailan maililipad sa Maynila ang nasa 520 na turista sa Boracay at higit 400 sa Siargao Island para makalipad pabalik sa kani-kanilang bansa.
Ayon kay Tourism Undersecretary Arturo Boncato Jr., na nairehistro na sa online database ang mga turista para agad maabisuhan kung sila ay makaaalis na.
Inaasikaso na umano ng DOT ang special flights sa lalong madaling panahon.
Kakailanganin ang nasa limang flights para matulungan ang mga stranded na turista sa rehiyon kung 180-seater plane ang gagamitin.
Na stranded ang mga dayuhan matapos masuspende ang mga domestic flights bilang hakbang ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa Western Visayas, nakapagtala ang DOT regional office ng halos 1000 stranded na turista.
You may like
-
OMBUDSMAN INUTUSANG SUMAGOT ANG 26 AKUSADO SA KASO NG ILEGAL NA PPP AGREEMENT NG LGU, ECOS
-
Turista sa Western Visayas, Bumaba ang arrival ng 99.30% sa 2nd quarter ng 2020
-
Boracay reopening sa October 1, inaprubahan na ni Tourism Secretary Puyat
-
KASO NG COVID-19 SA MUNDO, MAHIGIT NA 29.6 MILLION
-
Hotel ‘Staycation’ pwede na sa GCQ areas – DOT
-
Pamahalaan, nais i-ban ang home quarantine — Año