Connect with us

Aklan News

4 NA LALAKI, TIKLO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Nabas, Aklan – Tiklo ang apat na lalaki matapos mahuling iligal na nag-sasabong sa Brgy. Matabana, Nabas, kahapon mga bandang 4:00 ng hapon.

Ito ay matapos magsumbong ang isang concern citizen sa himpilan ng Nabas Pnp.

Nakilala ang mga inarestong sina Rante Roda Mahilum, 42 anyos, residente ng Talipapa Bukid, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Renato Calizo Aguirre, 52 anyos, residente ng Brgy. Poblacion Nabas, Alfredo Solanoy Sepene, 65 anyos residente ng Brgy. Buenavista, Nabas at Welmer Sebejano Miguel, 19 anyos residente ng Brgy. Matabana,Nabas.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos aktong maabutan ng mga rumesponding kapulisan na nagsasabong.

Hindi naman nahuli ang iba ng magsitakbuhan pagdating mg mga otoridad.

Narekober sa nasabing lugar ang apat na panabong na manok kasama ang tari nito.

Pati perang pang-taya ng mga suspek na umabot sa 4,200 pesos.

Sa ngayon naka-kulong sa piitan ng Nabas Pnp ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa PD No. 449 o mas kilala sa tawag na Illegal Cockfighting law.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *