Connect with us

Aklan News

“TULAK” NA HABAL-HABAL DRIVER, ARESTADO

Published

on

Photo credits to the owner

Boracay – Arestado ang isang high value individual na subject sa drug buy-bust operation alas 5:45 kahapon sa Sitio Bung-aw Brgy. Manocmanoc Boracay.

Binentahan umano ng suspek na si Francois Niel Nebit Ferrer, 38 anyos, tubong Brgy. Buhay na Tubig, Imus Cavite ang isang poseur buyer ng 2 hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P5, 000.

Narekober sa posisyon ng suspek ang karagdagang anim na sachet ng shabu sa isinagawang body search at iba pang mga gamit nito.

Sa kabuuan, walong sachet na hinihinalaang shabu ang nakuha kay Ferrer.

Inihahanda na ang ang mga kasong Sec 5, Sec 11, Sec 12 of article RA 9165 o paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 na isasampa laban sa naarestong suspek.

Ikinasa ang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Malay Pnp at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office VI.

Magugunitang naaresto ang suspek sa parehong kaso noong taong 2016 at kakalabas lang nito ng piitan nitong Enero sa pamamagitan ng plea bargaining.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *