Connect with us

Aklan News

Lalaking naligo sa dagat, nalunod patay

Published

on

Photo courtesy| MCRRMO Batan

Batan, Aklan – Patay at lumulutang na nang matagpuan ang isang lalaking naligo sa dagat kahapon ng umaga sa Sitio Baybay, Mambuquiao, Batan.

Nakilala ang biktimang si Florencio Salvador, 56 anyos ng nasabing lugar.

Nabatid na nagpaalam ang biktima sa kanyang asawa na maliligo umano ito sa dagat pagdating nito galing sa pamamalengke.

Subali’t ilang saglit lang umano ang lumipas nang may nagbalita sa kanyang asawa na natagpuan na lamang ang biktimang lumulutang sa tubig.

Kaagad nirespondehan ng mga taga MDRRMO Batan ang biktima at sinubukang i-revive bago dinala sa Altavas District Hospital, subali’t hindi na umano ito umabot ng buhay.

Samantala, nabatid na dati nang na stroke ang biktima, na posibleng nangyari sa kanya kahapon habang naliligo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *