Connect with us

Aklan News

Construction worker, nadamay sa away ng mga katrabaho, nasaksak

Published

on

Photo courtesy| Boracay PNP

Boracay Island – Ospital ang bagsak ng isang construction worker matapos saksakin ng katrabaho dakong alas-10:00 kagabi sa Sitio Sinagpa Brgy. Balabag Boracay.

Nakilala ang biktimang si Jay-R Sultan Otiz, 18 anyos, ng Tangalan at suspek na sina Arnel Agnas Arocena, 43, residente ng Brgy. Tangue, Roxas City, Capiz at Red Santos Zapanta, 41, tubong Cainta Rizal.

Lumalabas sa imbestigasyon na bumaba ang dalawang suspek mula sa 3rd floor ng construction site na kanilang pinagtatrabahuhan na lango sa alak.

Kinausap umano ng dalawang suspek ang katrabaho nilang si Randy Bognot at pinagsabihan masasamang salita na nag-resulta ng mainit na diskusyon.

Sinuntok ni Arocena si Bognot at pinalo ni Zapanta ng bote sa ulo.

Samantala, walang kadahilanang sinaksak ni Arocena ng metal wire si Otiz na nakatayo lang malapit sa pinangyarihan ng komosyon.

Agad na isinugod sa Ciriaco S. Tirol Hospital si Otiz para sa karampatang medikasyon.

Habang, naaresto naman ang suspek ng pananaksak na mahaharap sa karampatang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *