Connect with us

Aklan News

P75K halaga ng marijuana, nasabat sa buy bust operation sa Boracay

Published

on

File photo

Boracay Island – Labin-limang sachet ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga pulisya mula sa lalaking suspek ng buy-bust operation kahapon sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay Island.

Tinatayang aabot sa P75, 000 ang nakuha ng mga operatiba mula sa 37 anyos na suspek.

Pag-aamin ng suspek, binibili niya ang mga marijuana sa pamamagitan ng online at ipinapadala nalang sa kanya dito sa Aklan.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa naarestong suspek, sabi ng pulisya.

Ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP at Philippine Drug Enforcement Unit.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *