Connect with us

Aklan News

Rider ng motorsiklo, aksidenteng nabangga ng van

Published

on

Photo courtesy| MDRRMO Makato

Makato, Aklan – Aksidenteng nabangga ng van ang isang rider ng motorsiklo bandang alas 10:20 kagabi sa Dumga, Makato.

Nakilala ang biktima na si Jelson Tocol, 56 anyos ng nasabing lugar, habang ang driver din mismo ng van na si Gideon Delgado, 56 anyos ng C.Laserna St., Poblacion, Kalibo ang nagdala sa biktima sa Makato PNP, at ang Makato PNP naman ang nagdala sa biktima sa ospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, nasa impluwensiya ng alak ang nagmomotorsiklong biktima nang bigla umano itong tumawid ng kalsada.

Tyempo namang parating ang nasabing van na papuntang Kalibo galing Malay, at aksidente nitong nabangga ang biktima.

Sanhi nito, sumemplang sa kalsada ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo at mga gasgas sa katawan.

Samantala,sinabi naman ng Makato PNP na nakahandang tumulong sa pagpapagamot sa biktima ang driver ng nasabing van.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *