Connect with us

Aklan News

12 anyos na binatilyo, nalunod-patay

Published

on

Photo| MDRRMO Kalibo

Dead on arrival sa ospital ang isang binatilyong 12 anyos matapos malunod sa Aklan river sa bahagi ng Barangay Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Benidec Nalangan, 12 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, naligo sa ilog ang nasabing biktima at mga kaklase nito nitong tanghali pagkatapos ng kanilang klase ngunit kalaunan ay nawala ito at napunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Pinaghahanap pa ng kanyang mga kaklase ang biktima ngunit lumulutang na ito sa ilog nang kanilang matagpuan.

Sinubukan pa umano sana siyang iligtas ng kanyang mga kaklase, subali’t nabigo ang mga ito.

Habang nag-aapply ng CPR ang mga rumespondeng medical team ng MDRRMO Kalibo ay pilit na ginigising ang biktima ng kanyang ama.

Ayon sa ama ng biktima, hindi umano nila matanggap ang nangyari sa kanilang anak.

Samantala, dinala pa sa ospital ang biktima, subali’t hindi na ito umabot pa ng buhay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *