Connect with us

Aklan News

Motorista, sugatan matapos masagi ng sasakyan

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos masagi ng sasakyan bandang alas 9:00 kagabi sa J. Cardinal Sin, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Rogelio Sagibo, 59 anyos ng Tinigaw, Kalibo, habang naaresto naman ang driver ng Toyota Hi-Ace na si Roel Santisteban, 41 anyos ng Caticlan, Malay.

Base sa imbestigasyon ng taga traffic section ng Kalibo PNP, nag-overtake ang sasakyan sa isang motorsiklo, subalit nasagi naman nito ang nagmomotorsiklong si Rogelio.

Resulta, tumumba sa kalsada ang biktima at nagtamo ng pinsala sa katawan na kaagad dinala sa ospital, subalit nakalabas din matapos gamutin.

Samantala, nabatid na si Santisteban naman ang bumili ng gamot ng biktima at nauwi sa areglo ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *