Connect with us

Aklan News

Motoristang naaksidente, kritikal

Published

on

File photo/Jun Cabesilla/Radyo Todo Aklan

Kalibo, Aklan – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaking kakauwi lang ng Aklan galing Manila nang maaksidente kaninang alas-3:35 sa may D. Maagma St., Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Mark Gonzales, 47 anyos, ng Tigayon, Kalibo at ang angkas nitong si Divine Quibrabet na kanyang hipag.

Batay sa ulat, binaybay ng dalawa ang direksyon ng Tigayon papuntang Poblacion para magwithdraw ng pera pambili ng inom.

Pauwi na sila nang maaksidente sa may D. Maagma St., makaraang lumusot sa gutter ang gulong ng motor na kanilang sinasakyan.

Tumilapon ang babaeng biktima habang humampas naman sa poste ng street light ang ulo ni Mark.

Kinarga ang mga ito sa ambulansya matapos lapatan ng first aid ng MDRRMO Charlie team saka dinala sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *