Connect with us

Aklan News

Tatlo, arestado dahil sa illegal na sugal

Published

on

Photo| Makato PS Tagasalbar

Tatlo ang arestado dahil sa ilegal na sugal alas 2:45 kahapon ng hapon sa Calangcang, Makato.

Kinilala ng Makato PNP ang mga naarestong sina Benny Occeño, 44 anyos, Eden Tambong, 50 anyos, at Maria Dovil, 48 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Makato PNP, nakatanggap sila ng report mula sa Barangay Intelligence Network doon kaugnay ng nasabing aktibidad rason na kaagad nila itong pinuntahan.

Nasorpresa pa umano ang mga suspek sa pagdating ng mga pulis, maging ang may-ari ng bahay kung saan sila naglalaro ng Tong-its.

Kasunod nito, narekober ang kabuuang P575.00 na pera ng mga suspek, at kinumpiska rin ang lamesa at tatlong upuan na ginamit nila sa kanilang pagsugal.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Makato PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling law.

Ang kampanya laban sa iligal na sugal ay mahigpit na ipinapatupad ng mga kapulisan nitong nakaraang mga araw sa buong bansa subalit may mangilan-ngialan paring tila isinasawalang bahala ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *