Connect with us

Aklan News

Babae na pinaniniwalaang nadapa,natagpuang patay

Published

on

Malinao – Patay na nang matagpuan sa labas ng kanyang bahay bandang alas 6 kaninang umaga sa Sitio Laguyod, Rosario, Malinao ang isang babae na pinaniniwalaang nadapa.


Kinilala ng Malinao PNP ang babaeng si Alona Roberto, 34 anyos ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ni Pcpl. Alvin Tamagos ng Malinao PNP, gagamit sana ng banyo ang bilas ng biktima na si Rosanel nang makita umano nito ang biktima na nakadapa sa labas ng bahay at hindi na gumagalaw.


Kaagad umano niya itong ipinag-bigay alam sa ilan pa nilang pamilya ang nangyari, na nagdesisyon namang ipagbigay-alam ito kay Kapitan Bonie Prado ng Rosario, Malinao.


Ayon pa sa imbestigasyon, lumabas ng kanilang bahay ang biktima upang magsaing, subalit posible umanong nadapa ito sa mga kawayang biniyak na nagsisilbi nilang apakan papasok at palabas ng bahay.


Ayon pa sa pulis, posibleng tumama sa nasabing kawayan ang ulo ng biktima na siyang naging sanhi ng kanyang kamatayan.


Samantala, nasa isang punerarya na ngayon ang labi ng biktima habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente at hinihintay ang desisyon ng pamilya kung ipapasailalim pa nila sa autopsy ang bangkay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *