Connect with us

Aklan News

6-anyos na bata, 2 beses ginahasa ng mismong tiyuhin

Published

on

(This is not the actual photo) Photo Courtesy| https://www.theweek.in/news/india

Dalawang beses umanong ginahasa ng mismong tiyuhin ang isang batang anim na taong gulang araw ng Linggo sa isang bayan sa Aklan.

Sa imbestigasyon ng Radyo Todo, unang ginahasa ng suspek ang biktima sa ilalim ng puno ng langka nang isama niya ito sa pangangahoy.

Kinahapunan, muli umanong hinalay ng tiyuhin ang pamangkin sa loob ng kuwarto, subali’t doon na natuklasan ang kangyang panggagahasa nang may nakakita umano sa suspek, at kaagad nagsumbong sa nga otoridad.

Kaagad itong naaresto at sinampahan na ng kasong 4 counts of rape sa prosecutor’s office Lunes ng hapon.

Napag-alamang wala ang mga magulang ng bata nang mangyari ang insidente, kung kaya’t ang pinagkatiwalaang suspek at ilan pang miyembro ng pamilya lamang ang naroon,

Samantala, ikinostodiya muna ng mga pulis pabalik sa kanilang piitan ang suspek dahil hindi umano sila umabot sa oras ng remittance sa Aklan Rehabilitation.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *