Connect with us

Aklan News

LALAKI HULI, MATAPOS GUMAMIT NG MARIJUANA

Published

on

Nahuli ng mga nagrespondeng mga pulis ang isang lalaki matapos, gumamit ng pinagbabawal na gamot (marijuana) 7:50 kahapon ng umaga  sa Brgy. Dumlog, Malay.

Nakilala ang suspek na si Vevincio Tumaob Panagsagan alyas “longlong”, 47 anyos, isang tricycle driver at residente ng brgy. Cubay Norte Malay.

Nahuli ang suspek matapos ireport ito ni Brgy. Capt. Antonio Dorimon Benignos, 50 anyos ng Brgy. Cubay Norte sa mga pulis.

Sa pangunguna ni PSMS Aven Dela Cruz ng Malay Pnp, nahuli si Panagsagan at narekober sa kanyang posisyon ang hinihinalang stick ng marijuana na ginamit umano sa paninigarilyo sa loob ng bakuran ng kapitan.

Base sa imbestigasyon ni PCpl Joebel Villanueva imbestigador ng kaso, habang nasa loob ng bahay si kapitan kasama ang kanyang mga bisita, bigla na lamang pumasok ang suspek na lango sa alak at sumayaw-sayaw sa harap nila.

Maya-maya lumabas umano sa nasabing bahay si certain “Jason” at sinundan ng suspek sabay sabing ‘’meron ako sindihan natin’’ kasunod ng biglang sindi ng isang stick ng marijuana.

Nagsumbong si “Jason” kay Brgy. Capt. Benigno na kaagad naman inireport sa pulis.

Sa ngayon mahaharap sa dalawang kaso ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Trespass to Dwelling.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *