Connect with us

Aklan News

Drayber ng motorsiklo, naaksidente patay

Published

on

Libacao – Dead on arrival sa ospital ang drayber ng motorsiklo matapos maaksidente bandang alas 10:26 kagabi sa Rizal St., Poblacion, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Joseph Eros Niñonuevo, 34 anyos ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libacao PNP, hinatid ng biktima ang kanyang pinsan galing sa isang birthday party doon.

Pabalik na umano ang biktima ng maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo dahil sa madulas na daan dulot ng ulan.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na naisugod pa sana sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *