Connect with us

Aklan News

2 BAHAY SA BORACAY, NASUNOG

Published

on

Nasunog ang dalawang bahay sa isla ng boracay, bandang 10:30 kagabi sa Sitio Cagban Brgy Manocmanoc, Boracay.

Nakilala ang may-ari ng bahay na sina Norma Dela Cruz at Jerry Cobero.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni FO3 John Henry Ildesa ng Boracay BFP, nagsimula ang apoy sa bahay mismo ni Norma at nadamay lamang ang kalapit na bahay ni Jerry na may 1 metro lamang ang layo.

Gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis itong natupok ng apoy.

11:00 kagabi ng ideklarang fire out ang nasabing sunog.

Tinatayang mahigit- kumulang 30,000 pesos ang inabot ng sunog sa dalawang bahay.

Maswerte namang hindi naabot ng apoy ang ibang bahay dahil sa maulan sa lsla.

Sa ngayon patuloy pa ang sinasagawang imbestigasyon ng BFP Boracay dahil para matukoy ng pinagmulan ng apoy.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *