Connect with us

Aklan News

75 anyos na lola nabiktima ng ‘budol-budol’, pera at alahas, tinangay

Published

on

Photo: Kalibo PNP

Kalibo – Nasa P60, 000.00 na halaga ng pera at alahas umano ang tinangay ng mga ‘budol-budol’ sa isang 75 anyos na lola bandang alas 10:00 kahapon ng umaga sa Poblacion, Kalibo.

Ayon sa Kalibo PNP, personal na nagsumbong sa presento ang biktimang si Marianita Sobrepena Macalacad, ng Nalook, Kalibo.

Base sa kanyang salaysay, nagwithdraw umano siya ng pera sa ATM ng isang bangko nang lumapit sa kanya ang mga hindi nakilalang suspek, kung saan isa sa mga ito ang nagpakilalang kaibigan umano ng kanyang anak na isa ring seaman.

Sa pag-uusap, sinasabing nakumbinsi umano ng mga ito ang kanyang loob na sumama sa kanila sa sasakyan.

Doon, kinausap umano siya ng babaeng suspek  na bibigyan siya nito ng pera dahil nakadiskwento siya sa mga biniling construction materials sa isang hardware.

Kinalaunan, kusa umano nitong ibinigay sa mga suspek ang kanyang P2,000.00 naiwidrong pera sa ATM, 4 na gintong kuwintas, 1 gold bracelet, 2 singsing, at hikaw, pati na rin kanyang ATM.

Kapalit nito, binigyan umano siya ng mga ito ng itim na pouch na naglalaman umano ng pera.

Niyaya pa umao ng mga suspek ang biktima na kumain sa isang fast-food sa isang mall, subalit doon din siya iniwan ng mga ito nang di niya namamalayan.

Huli na rin niya natuklasang mga papel at hindi pera ang laman ng iniwan sa kanyang pouch.

Samantala, na-withdraw din umano ng mga suspek ang P10, 500.00 na perang natitira sa kanyang ATM.

Patuloy namang iniimbistigahan ng mga pulis ang insidente.