Connect with us

Aklan News

Lalaki, sinuntok ng ex-boyfriend ng kanyang kasintahan

Published

on

Boracay Island – Walang pakundangang sinuntok ng isang lalaki ang bagong kasintahan ng kanyang dating nobya sa labas ng isang fastfood kahapon sa Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktimang si Vincent Lloyd Lorque Millizas, 26 anyos, ng Brgy. Yapak, Boracay at ang suspek na si Arvin Mayo Advincula, sa legal na edad, residente ng Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa ulat, dumating ang suspek sa isang kainan habang naghahapunan ang magkasintahan kung saan nagbitaw ito ng masasamang salita at pinagbantaan ang biktima.

Sa takot ni Millizas ay humingi sya nang tulong sa kanyang kaibigan at hinintay na dumating ito bago lumabas.

Subalit, mabilis na inundayan ng suntok ng suspek si Millizas na tumama sa likod ng kanyang ulo dahilan na damputin ito ng pulis at dalhin sa Malay MPS.

Wala namang balak mag sampa nang kaso ang biktima laban sa suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *