Connect with us

Aklan News

BABAE, NABALIAN MATAPOS MASAGI NANG VAN

Published

on

Bali sa kanang siko ang natamo nang isang motoristang babae matapos maaksidente kahapon mga bandang 5:20 ng hapon, sa Brgy. Unidos, Nabas.

Nakilala ang biktima na si Jhonabel Manares Narciso, 32 anyos residente nang Brgy. Nagustan, Nabas.

Nakilala naman ang driver nang Van na si Condrado III Maglantay Tandog, 36 anyos, residente nang Brgy. Venturanza, Banga.

Ayon kay Pssg. Melvin Alba Jr. Ng Nabas PNP, galing si Narciso sa Nabas at papuntang Caticlan nang biglang nag overtake sa kanya ang sumusunod na van.

Subalit Hindi umano napansin ng drayber ng van na meron itong makakasalubong na sasakyan dahilan upang bumalik ito sa dating linya at doon na nya nasagi ang siko ni Narciso.

Nirespondihan nang Nabas Pnp ang insidente at dinala sa Ibajay District Hospital ang driver nang motor para sa agarang medikasyon at agad namang inilipat sa provincial hospital.

Wala naman umanong balak mag sampa nang kaso ang biktima sa drayber ng van at sasagutin na lamang no to ang bayarin sa hospital.