Connect with us

Aklan News

PALAY NA GINAPAS, NASUNOG

Published

on

By

Nasunog ang mga bagong gapas na palay sa Sitio Pueapo, Brgy. Afga, Tangalan, 4:57 kaninang madaling araw.

Nakilala ang may ari nito na si Federico Irabon Malihan,63 anyos residente nang nabanggit na lugar.

Tinatayang nasa 6 na talampakan ang taas nang ginapas na palay ang nasunog o katumbas ng 70 sakong palay pag ito’y nalinis na.

Ayon kay F01 Ruzzel Rotao imbestigador nang BFP Tangalan tinatayang 9,000 pesos ang danyos na inabot nang sunog.

Alas 5:20 kaninang umaga ng idineklara itong fire out.

Dagdag pa ni Rotao patuloy parin ang imbestigasyong isinasagawa para malaman kung saan o kung sino ang responsable sa naganap na sunog.