Connect with us

Aklan News

LALAKI, NALUNOD-PATAY SA ISANG ILOG SA TANGALAN

Published

on

Photo| Jude Joenel Tungala

Tangalan – PATAY ang isang lalaki makaraang malunod sa ilog na sakop ng Sitio Sumaeay, Brgy. Panayakan, Tangalan.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Ed Francisco Sobron, 22 anyos, residente ng nabanggit na lugar dakong alas-6 kaninang umaga.

Ayon sa Tangalan PNP, huli umanong nakita ang biktimang lango sa alak at pasuray-suray maglakad sa tabing ilog dakong alas-6 kagabi.

Agad na nagsumbong ang taong nakakita sa kanya sa mga tanod at binalikan ito sa lugar ngunit hindi na nila ito nahanap.

Ayon pa sa Tangalan PNP, may kalaliman ang ilog at marami na umanong insidente ng pagkalunod sa lugar.

Lumalabas sa initial findings ng kapulisan na walang foul play sa pagkamatay ng biktima at posible umanong pagkalunod ang rason ng pagkamatay nito.

Pero para matiyak kung ano ang dahilan ng pagkasawi ng biktima, pinasuri sa SOCO Aklan at ipinasailalim sa post mortem examination ang katawan nito.

Pahayag ng mga kakilala ni Sobron, mabait na tao ito at hindi sakit ng ulo sa kanilang barangay.

Hinihintay na lamang ang resulta ngnaturang eksaminasyon.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *