Connect with us

Aklan News

BANGKAY NA TADTAD NG PANANAGA, NATAGPUAN

Published

on

Altavas – Patay na nang matagpuan sa palayan ang isang lalaki matapos pagtatagain bandang alas 8:00 kagabi sa Barangay Tibiao, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Jomar Telisforo Marcelo, 32 anyos samantala nakilala naman ang suspek na si Nilo Villaruel Placido, 66 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Altavas PNP, sinugod umano ng biktima na may dalang itak at air gun ang suspek sa bahay nito at hinamon ng away.

Nagkomprontahan ang dalawa, hanggang sa tinaga ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanang bahagi ng kanyang likod, kaliwang leeg, at likod ng ulo.

Sinasabing nakatakbo pa ang biktima sa palayan kung saan siya natagpuang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay.

Samantala, kaagad namang nagpasama kay Tibiao Punong Barangay Vicente Felipe ang suspek sa Altavas PNP Station bandang alas 11:30 kagabi upang sumuko.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Altavas PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *