Connect with us

Aklan News

DRIVER, SUGATAN MATAPOS BUMALIKTAD ANG MINAMANEHONG TRAYSIKEL

Published

on

Sugatan ang isang driver matapos aksidenteng bumaliktad ang minamanehong traysikel bandang alas 10:00 kagabi sa Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jhon Francisco Lao, 55 anyos ng Ureta Road, Andagao, Kalibo.

Base sa police report ng Kalibo PNP, nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang magmaneho ng traysikel galing Old Buswang proper papuntang Poblacion, Kalibo nang aksidente umanong mahulog sa gutter ang traysikel at bumaliktad.

Resulta, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad ginamot ng mga rumespondeng taga MDRRMO.

Sa kabila nito, tumanggi nang magpaospital ang biktima at nagpahatid na lamang sa kanilang bahay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *