Connect with us

Aklan News

DALAWANG DRIVER, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO

Published

on

Sugatan ang dalawang driver matapos aksidenteng magbanggaan ang kanilang motorsiklo bandang alas 3: 35 kahapon sa Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Jerry Melchor Jr., 32 anyos ng Sitio Kanyugan, Feliciano, Balete at Santos Julianda Jr., 59 anyos ng Puis, New Washington.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, galing sa Poblacion, Kalibo at papunta na sana ng Banga ang nagmomotorsiklong si Melchor nang tumawid naman umano ng kalsada ang nagmomotorsiklo ring si Santos, dahilan ng kanilang pagbanggaan.

Resulta, kapwa nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang mga biktima na kaagad ding ginamot ng mga taga MDRRMO.

Samantala, nagkaareglo naman kinalaunan ang dalawa sa mismong istasyon ng Kalibo PNP kaugnay ng nangyaring insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *