Connect with us

Aklan News

BINATANG NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO

Published

on

Makato – Arestado ang isang binata matapos umanong magpaputok ng baril bandang alas 10:00 kagabi sa Mckinley St., Poblacion, Makato.

Nakilala ang suspek na si Aljon Ortiz Torrefiel, 20 anyos ng Agbalogo, Makato.

Base sa report ng Makato PNP, nagpapatrolya sila kagabi nang makatanggap ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network na may nagpaputok ng baril sa bahagi ng Mckinley St., na kaagad naman nilang nirespondihan.

Naabutan pa umano nila ang suspek na nagtangka pang tumakas, subalit nakorner pa rin at hinanapan ng ID.

Binuksan naman umano nito ang kanyang sling bag, at doon nakita ng mga pulis ang isang improvised na 38 revolver na may lamang isang bala.

Kaagad siyang inaresto at ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *