Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGNAKAW UMANO NG MOTOR, ARESTADO

Published

on

Photo| Makato PNP

Kalibo – Arestado pasado alas 12:00 Linggo ng tanghali ang isang lalaki sa Tabangka, Numancia matapos nitong nakawin ang isang motorsiklo kagabi sa Libang, Makato.

Nakilala ang suspek na si Sherwin Magharing Reyes, sa legal na edad at residente ng Dongon West, Numancia na naaresto sa follow up investigation ng mga pulis.

Base sa police report ng Makato PNP, napag-alamang nagpablotter sa kanilang himpilan bandang alas 11:00 kahapon ng tanghali ang may-ari ng motorsiklo na si John Laurencio Ginoy, 44 anyos ng Libang, Makato.

Base sa kanyang salaysay sa police station, iniwan niya ang kanyang motorsiklo sa nakagawian na niyang garahe bandang alas 6:30 Sabado ng gabi dahil hindi ito maaaring dalhin patawid ng palayan papunta sa kanilang bahay.

Subali’t nagulat na lamang umano siya kinaumagahan nang makitang wala na doon ang kanyang motorsiklo.

Dahil dito, kaagad nag imbistiga ang Makato PNP, kung saan pinuntahan umano ng mga pulis ang bahay ng suspek na umamin naman at itinuro pa kung saan niya itinago sa Tabangka, Numancia ang motorsiklo ng biktima.

Base pa sa imbestigasyon ng pulis, sinabi umano ng suspek na kinuha niya ang nasabing motorsiklo, para may magamit siya pauwi galing sa isang lamay kung saan din umano ito nakipag-inuman.

Kaagad inaresto ang suspek at pansamantalang ikinostodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *