Connect with us

Aklan News

LALAKING MADALAS MAG-ESKANDALO, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Balete – Patay na nang matagpuan bandang alas 7:30 kaninang umaga ang isang lalaki matapos umanong hampasin ng kawayan kagabi sa Sitio Binitinan, Oquendo, Balete.

Kinilala ng Balete PNP ang biktimang si Renato Tornino De Manuel, sa legal na edad at residente ng nasabing lugar, habang arestado naman sa follow up operation ng Balete PNP ang magbiyenang suspek na sina Ruperto Modesto, 52 anyos at Jinky Agudez, sa legal na edad at pawang residente ng Sitio Hal-o, Oquendo, Balete.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, bandang alas 8:00 kagabi nang makita ng ilang testigo sa lugar na nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga suspek at biktima, subalit hindi na rin umano lumabas ng bahay dahil sa takot.

Subalit ayon naman sa suspek na si Ruperto na umamin sa krimen, ilang gabi na umanong dumadaan doon sa kanilang bahay ang biktima at nagsisisigaw subalit wala ni isang sumasaway sa kanya.

Ang magbiyenang suspek matapos maaresto

Inamin din ng suspek na hinabol niya ang biktima at dalawang beses na hinampas ng pinutol na kawayan sa ulo.

Dahil dito, napaupo na lamang umano ang biktima at nahulog sa bangin, rason na kanyang iniwan at umuwi ng kanilang bahay.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Balete PNP Station ang mga suspek matapos maaresto sa kubo ng matandang suspek habang nagluluto.

Matapos mapost mortem, nakatakda pang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima para matukoy ang lubha ng pinsalang tinamo ng kanyang katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *