Connect with us

Aklan News

DALAWA, ARESTADO SA BUY BUST OPS SA ISANG PENSION HOUSE

Published

on

Arestado ang dalawang lalaki sa isang buy bust operation alas 10:20 kagabi sa isang pension house sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga suspek na sina Daryl Recidoro Manglapus, 39 anyos ng Balete, Aklan, at Gene Tomarong Auro na nakilala rin sa pangalang Gene Tomarong, 46 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo.

Kapalit ng P3,000.00 na buy bust money, narekober mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa isinagawang body search, narekober din umano mula kay Manglapus ang dalawa pang sachet ng pinaniniwalaang shabu, at tatlo naman mula kay Tomarong.

Maliban sa mga nabanggit, narekober din sa mga suspek ang ilang naka rolyong aluminum foil, improvised tooter, lighter, plastic straw, at kanilang cellphone.

Pansamantala silang ikinostodiya ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Kasong paglabag sa Section 5,11, at 12 article 2 ng Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga suspek na tumangging magbigay ng pahayag kaugnay ng kanilang pagkakaresto.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *