Connect with us

Aklan News

GRADE 12 STUDENT, NASAKSAK NG KAINUMANG KAPWA ESTUDYANTE

Published

on

sinaksak

Banga – Sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang Grade 12 student matapos masaksak ng kainuman at kapwa estudyante pasado alas 11:00 kagabi sa Mambog, Banga.

Kinilala ng Banga PNP ang biktimang si John Loyd Torres, 20 anyos ng Tabayon, Banga, at ang suspek na si Patrick Dalida, 18 anyos ng Mambog, Banga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, kainuman ng biktima at suspek sa isang birthday celebration ang kanilang barkada na sina Keneth Nahil, Rustom Ignes, at John Andrey Natavio nang magdiskusyon sa hindi matukoy na dahilan sina Keneth at Rustom.

Subalit kinampihan umano ng biktima si Keneth, rason na ikinagalit ng suspek sa biktima na kaagad umano nitong pinagsasaksak.

Dahil dito, nagtamo ang biktima ng dalawang sugat sa dibdib, isa sa tiyan at isa sa kanyang kanang siko.

Kaagad siyang dinala sa isang pribadong ospital, habang kaagad umanong umuwi sa kanilang bahay ang suspek.

Subalit kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Banga PNP station matapos umano siyang dalhin sa presento ng kanyang ina bandang alas 11:45 kagabi.

Patuloy pang iniimbistigahan ng mga pulis ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *