Connect with us

Aklan News

Negosyante arestado sa pagbebenta ng shabu; 17 sachet ng ‘shabu’ narekober

Published

on

Image from the web

Kalaboso ang isang negosyante sa Brgy. Inzo, Roxas City matapos mahuli ng operatiba sa buy bust operation.

Kinilala ang suspek na si Patricio Pelaez Jr., 39-anyos, Arches Subdivision San Roque sa naturang barangay.

Nabilhan ang suspek ng isang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng Php20,000 buy bust money.

Narekober sa body search ang 16 pa na sachet ng ‘shabu’ at iba-ibang drug paraphernalia.

Tinatayang aabot sa anim na gramo ng shabu ang narekober ng mga otoridad o katumbas ito ng Php30,000.

Ang operasyon ay ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Mark Anthony Garcia hapon ng Miyerkules.

Nabatid na dirictorate listed ng Philippine National Police ang nasabing suspek.

Una nang nakulong ang suspek sa parehong kaso pero nakalaya ito noong 2018 dahil sa plea bargaining.

Nakakulong ngayon sa Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *