Connect with us

Aklan News

MOTOR BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, 1 PATAY, 1 SUGATAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki habang isa pa ang sugatan nang bumangga ang kanilang motor sa nakaparadang truck alas-5 nitong umaga sa Brgy. Nalook, Kalibo.

Nilalapatan na ng lunas ngayon ang babaeng drayber ng motor na si Lermie Segasi, 22 anyos, habang hindi na nakaligtas ang angkas nitong si Argie Estillo, 22 anyos, ng New Washington dahil sa matinding tama sa ulo.

 Sa inisyal na impormasyon, sakay sa isang motorsiklo ang dalawa mula sa New Washington. papunta sana ng Kalibo para pumasok sa kanilang trabaho nang aksidenteng sumalpok sa nakaparadang truck.

Agad naman silang sinaklolohan ng mga residente ngunit di na umabot ng buhay sa ospital ang isa sa kanila.

Ayon sa mga residente, wala di umanong ilaw ang gamit nilang motorsiklo.

Pahayag naman ng drayber ng truck na si Richard Aliling, naglagay sila ng warning device sa gilid ng kanilang truck habang nakaparada.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *