Connect with us

Aklan News

20-anyos na lalaki tinaga ng ama sa ulo sa Dao, Capiz

Published

on

Malubhang sugat sa ulo ang tinamo ng 20-anyos na lalaki sa Brgy. Centro, Dao, Capiz matapos siyang tagain ng ama.

Kinilala sa ulat ng Dao PNP ang biktima na si Kyle Diaz, 20, habang ang suspek ay si Gezal Diaz, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa imbestigasyon ng kapulisan na nag-iinuman ang mag-ama Miyerkules ng gabi nang magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Napikon ang anak at sinuntok nito ang ama dahilan para matumba ang huli. Pagbangon ng ama ay kumuha ito ng itak at tinaga ang biktima.

Nagtamo ng dalawang sugat ng taga sa ulo ang biktima at agad dinala sa Bailan District Hospital sa Pontevedra, Capiz pero kalaunan ay inerefer din Roxas Memorial Provincial Hospital sa lungsod ng Roxas.

Arestado naman ang suspek at posibleng sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *