Connect with us

Aklan News

MANANAHI TIMBOG SA BUY-BUST SA BORACAY

Published

on

Boracay Island – Timbog ang isang mananahi sa buy-bust operation alas-9:40 kagabi sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island.

Kinilala ang suspek na si Louie Repil Romero, 37 anyos, tubong Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at kasalukuyang nakatira sa Sitio Ambulong, Manocmanoc, Malay.

Nakuha sa suspek ang P1200 na buy bust money kapalit ng isang sachet ng shabu.

Dalawa pang plastic sachet ng shabu at isang plastic sachet ng marijuana na nahati sa tatlo ang nakuha mula sa kanyang posisyon sa isinagawang body search.

Pahayag ng suspek, January 21 pa dumating ang kanyang stock sa Boracay mula sa Pasig City kaya’t kaunti nalang ang natira sa kanyang posisyon.

Dinala na ang suspek sa Iloilo City para ipasailalim sa mga eksaminasyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Romero.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *