Connect with us

Aklan News

LALAKI ARESTADO SA SEARCH WARRANT OPERATION SA NABAS

Published

on

NABAS – Arestado ang isang lalaki makaraang magsagawa ang mga otoridad ng search warrant operation sa Brgy. Pawa, Nabas, Aklan alas-11:30 ng umaga kahapon.

Nagsanib pwersa ang Nabas PNP at 2nd Aklan Provincial Mobile Force sa pagtungo sa lugar at naabutan sa kanyang tahanan ang 33 anyos na suspek na si Ronil Empos Francisco.

Nakuha ng mga kapulisan ang isang caliber 38 revolver at tatlong bala na nakatago sa isang balde na nakalagay sa kusina.

Nasa kostudiya na ng Nabas PNP ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban dito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *