Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA PAG-GAMIT NG CHAINSAW

Published

on

Batan – Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong gumagamit ng chainsaw sa pagputol ng kahoy na walang kaukulang permit alas 4 ng hapon kahapon sa So. Bita, Brgy. Magpag-ong, Batan.

Kinilala ng Batan PNP ang naarestong si Ronie Sioco Ilado, 59 anyos ng nasabing lugar.

Naaresto si Ilado matapos isuplong ng ilang residente sa lugar ang pagputol nito ng kahoy.

Sa pag responde ng mga pulis, hinanapan umano nila ng kaukulang dokumento ang suspek, subalit nabatid na hindi na renew ang permit ng kanyang chainsaw dahil burado na ang serial number nito.

Kaagad inaresto si Ilado at kinumpiska ang kanyang chainsaw, kasama ang mga naputol na nitong kahoy na ikinustodiya sa Batan PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang kinaharap ngayon ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *