Connect with us

Aklan News

BILANGGO, PATAY MATAPOS MAGLARO NG BASKETBALL AT UMINOM NG TUBIG

Published

on

Kalibo-Patay ang isang inmate ng BJMP Aklan District matapos umanong atakihin sa puso bandang alas 5:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Jail Officer 1 Mark Ascaño ang inmate na si Joseph Ferrer Edusma, 35 anyos ng Culasi, Roxas City.

Ayon kay Ascaño, nakipaglaro ng basketball ang biktima sa kanyang mga kapwa inmate dakong alas 4:00 kahapon, subalit hindi na umano nito napatapos ang ikalawang game dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Uminom umano ito ng tubig na malamig, ngunit dumaing kinalaunan na sumasakit ang kanyang dibdib.

Napansin din umano ni Ascaño na nangingitim na ang biktima, dahilan upang isugod ito sa ospital ngunit doon na ito binawian ng buhay habang ginagamot.

Naipagbigay-alam na rin ng mga kinauukulan sa kanyang pamilya ang nangyari sa nasabing inmate.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *