Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO MATAPOS PAGBANTAANG PAPATAYIN ANG HIPAG

Published

on

Arestado

Libacao – Nahaharap sa kasong Attempted Homicide ang isang lasing na lalaki matapos pagbantaang papatayin ang kanyang hipag bandang alas 8:00 ng umaga kahapon sa Can-awan, Libacao.

Kinilala ng Libacao PNP ang suspek na si Joeboy De Josef, 40 anyos.

Samantala kinilala namang ang biktima na hipag nitong si Jocelyn De Josef, 54 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, armado ng itak ang suspek nang sugurin umano nito ang bahay ng hipag at binantaang papatayin dahil sa problema sa lupa.

Pinagtataga umano nito ang dingding ng bahay ng hipag at pinagsusuntok ang kawayang pintuan dahilan upang masira ito.

Maswerte namang nakatakbo ang hipag nito hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis.

Kaagad na inaresto ng mga pulis ang suspek ng magtangka pa itong tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Narekober din ng mga otoridad ang itak na ginamit nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *