Connect with us

Aklan News

6 NA LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Ibajay – Arestado ang anim na lalaki dahil sa ilegal na sabong sa Sitio Talisay, Aquino, Ibajay alas 11:30 kaninang umaga.

Kinilala ng Ibajay PNP ang mga suspek na sina Filmar Dela Gracia, 18 anyos ng Igbarawan, Patnungon, Antique; Johnny Berondo, 29 anyos; Angelito Fernando, 33 anyos; Kenneth Dalisay; Resly Alarcon, 40 anyos, at Jonesto Luces, 45 anyos, lahat taga Aquino, Ibajay.

Sa pagsalakay ng mga pulis, narekober umano ang 5 buhay na manok panabong at 3 pang patay na manok na panabong.

Maliban dito, narekober din umano mula sa belt bag ni Dalisay ang P1,200.00 na pera, at 10 metal spur o tari.

Pansamantalang ikinustodiya sa Ibajay PNP Ststion ang mga suspek para sa karampatang disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o cockfighting law na isasampa laban sa kanila.

Nabatid na bisperas ngayon ng kapistahan ng Sitio Talisay, Aquino, Ibajay nang magsagawa ng ilegal na sabong ang tinatayang 50 katao doon, kasama ang mga nahuling suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *