Connect with us

Aklan News

Motorista patay matapos bumangga sa konkretong poste sa bayan ng Pilar

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos bumangga sa isang konkretong poste ng ilaw ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Brgy. Sta. Fe, Pilar, Capiz Huwebes ng gabi.

Kinilala sa ulat ng Pilar PNP ang biktima na si Jumar Dela Cruz, 27-anyos, residente ng Brgy. Casanayan, Pilar, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng national highway mula Balasan, Iloilo sakay ng kanyang motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang motorista.

Isinugod pa ito sa Jesus Colmenares District Hospital sa Balasan, Iloilo pero dineklara itong dead on arrival.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang maganap ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *