Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, PATAY MATAPOS SUMALPOK SA TRAYSIKEL

Published

on

Photo: Patrick Rebase

Dead on arrival sa pribadong ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa traysikel bandang alas 10:50 kagabi sa Tambak, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Jonel Ramos Nillasca, 31 anyos ng Tabayon, Banga at ang driver ng nabangga nitong traysikel na si Prince Merin Reyes, 43 anyos ng Poblacion, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng pulis, pauwi na sa Tabayon, Banga si Nillasca nang mag-overtake sa sinusundang kotse.

Subali’t mabilis umano ang takbo ng biktima rason na hindi na nito naiwasan ang nakasalubong na traysikel at sumalpok doon.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing dumikit sa harapang bahagi ng traysikel ang motorsiklo rason din na parehong nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga nasabing driver.

Kaagad dinala sa ospital si Nillasca, subali’t hindi na ito umabot ng buhay, habang kaagad ding ginamot sa provincial hospital si Reyes.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *