Aklan News
37-anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng baril sa Ivisan, Capiz

Published
1 year agoon

Arestado ang isang lalaki sa Brgy. Sta. Cruz, Ivisan, Capiz matapos mahuli ng kapulisan na may dalang baril at walang kaukulang dokumento.
Nakilala ang suspek na si Ivan Zapanza Altamia, 37-anyos, residente ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng Ivisan PNP, rumesponde sila sa lugar matapos humingi ng tulong ang isang kagawad ng barangay dahil nanutok umano ng baril ang suspek kay Ronnel Villarisco.
Habang nakikipag-usap sa kagawad at sa nagrereklamo, dumating ang suspek sakay ng motorsiklo.
Positibo siyang itinuro ng biktima sa kapulisan.
Nakita ng kapulisan na nakasukbit sa baywang ng suspek ang isang 357 revolver na may limang bala.
Walang maipakitang mga dokumento ang suspek nang hingin ito sa kanya ng kapulisan dahilan para kumpiskahin ito. Kulong ang suspek at maaring maharap sa kaukulang kaso.
You may like
-
GINANG, NANGANAK SA CHECKPOINT
-
Cesar Montano, at prodyuser ng “Freedom Fighters” bumisita sa Tapaz, Capiz
-
Apartment sa Sigma, Capiz pinasok ng magnanakaw; mga gadget at pera natangay
-
Motorista patay matapos bumangga sa konkretong poste sa bayan ng Pilar
-
24-anyos na lalaki arestado sa kasong paglabag sa RA 7610
-
56-anyos na lalaki sa Maayon, Capiz patay matapos mabaril ang sarili