Connect with us

Aklan News

24-anyos na lalaki arestado sa kasong paglabag sa RA 7610

Published

on

Arestado ang isang 24-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion Proper, Jamindan, Capiz dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610.

Kinilala sa ulat ng Mambusao PNP ang akusado na si Mark Anthony Aguirre Singson, 24-anyos, residente ng Brgy. Jaena Norte, Jamindan.

Siya ay inaresto ng pinagsamang pwersa ng Jamindan PNP sa pangunguna ni PCpt. Peter John Pesuena at Mambusao PNP sa pangunguna ni PCpt. Alcer Monsera.

Isinerbe ng kapulisan ang warrant of arrest umaga ng Biyernes laban sa akusado. Ang warrant ay ibinaba ni Hon. Judith 0rendain-Tonogbanua, Regional Trial Court Judge, Branch 20, sa Mambusao, Capiz.

Php200,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya. Pansamantalang ikinulong sa Mambusao PNP Station ang akusado.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *