Connect with us

Aklan News

2 PINAY FLIGHT ATTENDANTS MULA CHINA, NAGPACHECK UP SA AKLAN HOSPITAL

Published

on

Kalibo, Aklan – Dalawang flight attendants na mula sa China ang nag-pa check-up sa Aklan Provincial hospital matapos makaramdam ng sintomas ng coronavirus.

Nagpatingin sa ospital kahapon ang isa sa kanila dahil sa sipon at sore throat o pamamaga ng lalamunan.

Naconfine ito ng isang gabi sa isolation room at kanina ay pinayagan na itong makalabas dahil magaling na ito.

Kanina lang din ay personal na nagpacheck-up ang isa pang stewardess dahil sa nararamdaman nitong sore throat at sipon.

Tumanggi itong magpaconfine sa hospital at oobserbahan nya muna ang kanyang sarili.

Sa panayam ng Radyo Todo sa kanya, sinabi nito na likas na siyang sipunin at mahina talaga ang kanyang resistensya.

Samantala, itinanggi ng provincial hospital ang kumakalat na balita na hindi na pumasok ang ilang mga medical staff dahil sa takot na mahawaan ng sakit.

Ina-avail lang diumano ng mga empleyado ang kanilang 5 days calamity leave.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *